Mayroong ilang pagkakataon na maaari naming kolektahin ang iyong pangalan at contact details (tulad ng e-mail address, numero ng telepono at address sa koreo) sa pamamagitan ng iyong paggamit ng aming website. Hindi namin kokolektahin ang impormasyong ito nang walang pahintulot at hindi ito gagamitin sa paglalagay ng online na patalastas. Kabilang sa mga halimbawa kung saan maaaring boluntaryo mong ibigay ang iyong pangalan at contact details ang:
Pagsagot sa mga kahilingan: nagtatago kami ng rekord ng impormasyon, kabilang ang email address at iba pang contact information, para lamang sagutin ang kahilingan ng isang user. Halimbawa, kapag nag-click ka sa “contact us” link at nagsumite ka ng tanong o komento, kokolektahin namin ang iyong pangalan, e-mail address, at numero ng telepono para magpadala ng sagot sa iyo.
Kapag boluntaryo mong hiniling na maidagdag sa aming newsletter list, kokolektahin namin ang iyong e-mail address para ipadala ang aming email newsletter.
Sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong contact information gaya ng nakasaad sa itaas, pumapayag kang gamitin ng Choreograph ang impormasyong iyon para kontakin ka kaugnay ng iyong kahilingan. Ang pahintulot na ito ang aming legal na batayan para magamit ang impormasyon sa ganitong paraan.
Kapag sa anumang oras ay nagpasya kang bawiin ang iyong pahintulot at gusto mong alisin ka namin sa aming marketing e-mails o newsletters, o i-unsubscribe ka sa aming database, maaari mo kaming kontakin gamit ang mga detalye sa seksyon ng Contact Us ng Pandaigdigang Abiso sa Pagkapribado. Kailangang isama mo ang iyong pangalan, e-mail address, at malinaw na tagubilin kaugnay ng mga pagbabagong hinihiling mo. Maaari ka ring mag-unsubscribe sa e-mail newsletters sa pamamagitan ng pag-click sa “unsubscribe” link na makikita sa pinakaibaba ng e-mail.
Ang Choreograph ay isang data controller na responsable sa iyong personal data (gaya ng pagbibigay-kahulugan ng naaangkop na batas sa terminong ito o kahalintulad na termino) kapag binisita mo ang aming Website o nagbigay ka sa amin ng contact information.
Ginagamit namin ang ilan, o lahat, ng impormasyong ito para mapabuti ang karanasan mo sa website sa pamamagitan ng paghahatid ng content na malamang na magustuhan mo kapag bumisita ka sa hinaharap. Ang makatuwiran naming batayan para sa ganitong uri ng pagpoproseso ay mayroon kaming lehitimong interes sa pag-unawa at pagpapabuti ng iyong karanasan sa aming Website.
Kung hindi ka sang-ayon sa aming paggamit ng cookies at sa impormasyong nasa itaas, maaari mong pigilan ang paggamit ng mga ito sa pamamagitan ng iyong browser settings o maaari mong piliing mag-opt out DITO. Sa pamamagitan ng hindi pagtanggap sa cookies, maaaring hindi gumana ayon sa inaasahan ang ilang partikular na features ng Website.
ANO ANG COOKIES?
Ang cookies ay mga text file na naglalaman ng kaunting impormasyon na idina-download namin sa iyong computer o device kapag bumibisita ka sa aming website. Makikilala namin ang mga cookie na ito sa mga kasunod na pagbisita at pahihintulutan kami nitong maalala ka. Maaaring magkaroon ng iba’t ibang anyo ang cookies at nasa ibaba ang dagdag na detalye kaugnay ng mga uri at kategorya ng cookies na ginagamit sa pangkalahatan at sa site na ito.
Una sa third-party na cookies – nakadepende sa domain na naglalagay ng cookie kung ang isang cookie ay first-party o third-party Ang first-party cookies ay iyong inilalagay ng website na binibisita ng user, ang website na ipinakikita sa URL window hal. https://stg.choreograph.com. Ang third-party cookies ay cookies na inilalagay ng domain maliban sa website na binibisita ng user. Kapag bumisita ang isang user sa isang website at naglagay ang isa pang entity ng cookie sa pamamagitan ng website na iyon, ito ay third-party cookie.
Cookie ng session – pinahihintulutan ng cookies na ito ang mga nagpapatakbo ng website na i-ugnay ang mga aksyon ng isang user habang may browser session. Nagsisimula ang browser session kapag binuksan ng isang user ang browser window at natatapos ito kapag isinara nila ang browser window. Pansamantalang nililikha ang session cookies. Kapag isinara mo ang browser, lahat ng session cookies ay mabubura.
PARA SAAN GINAGAMIT ANG COOKIES?
Ang cookies ay nabibilang sa isa o higit pang kategoryang nakasaad sa ibaba. Paminsan-minsan, gumagamit ang website na ito ng cookies na nabibilang sa lahat ng kategorya. Gumagamit din kami ng data mula sa targeting cookies na inilalagay sa iyong computer ng mga third party kapag bumisita ka sa ibang websites.
PAANO AKO MAKAPAGBUBURA NG COOKIES?
Kung gusto mong magbura ng anumang cookies na nasa computer o device mo na, mangyaring sumangguni sa mga detalyeng nasa ibaba. Makakakuha ng karagdagang detalye sa Cookie Preference Centre, na magpapakita ng lahat ng cookies na ginagamit sa site na ito. Kung gusto mong itigil ang paglalagay ng cookies sa iyong computer sa hinaharap, mangyaring sumangguni sa mga tagubilin ng iyong browser manufacturer sa pamamagitan ng pag-click sa “Help” sa iyong browser menu. Makakakuha ng dagdag na impormasyon tungkol sa cookies sa http://www.allaboutcookies.org/ at maaari kang makaalam tungkol sa paggamit ng cookies para sa pagpapatalastas sa internet dito www.youronlinechoices.com ohttp://optout.networkadvertising.org/?c=1.
Sa pagbubura ng aming cookies o pag-disable ng cookies sa hinaharap, maaaring hindi mo ma-access ang mga partikular na bahagi o feature ng aming website. Kapag ikaw ay nagbura ng cookies, nag-install ng bagong browser o nagkaroon ng bagong computer, kakailanganing i-reset ang opt-out cookie sa pamamagitan ng pagbalik sa site na ito.
GINAGAMIT NAMIN ANG SUMUSUNOD NA MGA KATEGORYA NG COOKIES:
MAHIGPIT NA KINAKAILANGANG COOKIES
Ang cookies na ito ay kinakailangan para gumana ang website at hindi maaaring i-off sa aming systems. Kadalasang inilalagay lamang ang mga ito kapag tumutugon sa mga aksyong ginagawa mo na katumbas ng paghiling ng mga serbisyo, tulad ng pagtatakda ng mga kagustuhan mo sa pagkapribado, pag-log in o pagsagot sa mga form.
Maaari mong itakda ang iyong browser para i-block ang o alertuhan ka tungkol sa cookies na ito, pero hindi na gagana ang ilang bahagi ng site. Hindi nag-iimbak ng anumang personal na makikilalang impormasyon ang cookies na ito.
COOKIES NG PAGGANAP
Pinahihintulutan kami ng cookies na ito na bilangin ang mga pagbisita at pinagmumulan ng traffic upang masukat at mapabuti namin ang paggana ng aming site. Tinutulungan kami nitong malaman kung aling pages ang pinakapopular at hindi popular at makita kung paano kumikilos ang mga bisita sa buong site.
Lahat ng impormasyong kinokolekta ng cookies na ito ay pinagsasama-sama at kung gayon ay hindi nakikilala. Kapag hindi mo pinahintulutan ang cookies na ito, hindi namin malalaman kung kailan ka bumisita sa aming site at hindi namin masusubaybayan ang paggana nito. Maaaring may kasamang third-party cookies na mula sa Google Analytics ang nasabing cookies.
FUNCTIONAL NA COOKIES
Pinahihintulutan ng cookies na ito ang mas mahusay na paggana at pag-aakma ng website. Maaaring kami o aming third-party providers na may mga serbisyong idinagdag namin sa aming pages ang maglagay nito. Halimbawa, maaaring gamitin ang mga ito para makatulong sa pagbibigay ng mga serbisyong hiniling mo, tulad ng panonood ng isang video o pagkomento sa isang blog. Maaaring alisan ng pagkakakilanlan ang impormasyon sa cookies na ito at hindi na nila mata-track ang iyong browsing activity sa iba pang mga website.
Kapag hindi mo pinahintulutan ang cookies na ito, maaaring hindi gumana nang maayos ang ilan o lahat ng serbisyong ito.
PAGGAMIT NG SITE NA ITO NG MGA BATA AT DATA NG MGA BATA
Napakahalaga sa amin ng pagkapribado ng mga bata. Ang aming Website ay hindi ginawa para sa o nakatuon sa mga batang wala pang 13 taon. Partikular naming hinihiling na huwag magbigay ang mga bata ng impormasyon tungkol sa kanilang sarili sa pamamagitan ng aming Website. Kung naniniwala ka na nagbigay ang iyong anak ng ganitong uri ng impormasyon at nais mo itong ipabura sa aming database, maaari mo kaming kontakin sa DPO@choreograph.com. Kapag napag-alaman namin na nakakolekta kami ng impormasyon tungkol sa isang batang wala pang 13 taon, buburahin namin ito.
MGA LINK PARA SA MGA THIRD PARTY NA SITE
Ang link mula sa aming Website papunta sa ibang website ay hindi nangangahulugang ineendorso namin ang mga affiliate o website, at hindi namin kontrolado ang mga website ng third party kung saan kami naka-link, at hindi namin inaako ang pananagutan sa kanilang content o mga patakaran sa pagkapribado. Kapag binuksan mo ang isang link papunta sa ibang website, hindi na naaangkop ang Abiso sa Pagkapribado ng Choreograph. Mahalaga na palaging basahin ang patakaran sa pagkapribado ng anumang website na binibisita mo.